Skip to main content

Posts

Showing posts from February 26, 2017

Ang Bato'y Matigas, Ang Ulap ay Bumabagsak

Anim ang gulang ko nang ako’y nangarap, Sampu naman ako nang minsa’y natupad ito, Labinglima ako nang bagyuin ng pangarap, Dalawampu ako nang mabaha ng pagpapala; Anong ginhawa ang aking napala! Mapalad ako! Napakapalad! Naging importante ako sa piso nang ako’y nag-bentesingko, Nakilala ako nang tumaba ang baboy ko, Nang ako’y nag-trenta’y ang yaman-yaman ko, Kasabay pa nito ang kapangyarihang aking natamo; Ano pa kaya ang mahihiling ko? Pag-ibig? Ang datong ko’y ang siyang sinta ko. Ngunit anong hirap ang mayro’n ka kung bakit ka masaya? Gaano karami ang kaibigan mo’t pakiramdam mo’y kuntento ka na? Ano ang kinakain mo’t sa tingin mo’y ang lumaban ay iyong kaya? Nasa lupa ka lamang subalit ako’y nasa langit; Matigas ang bato pero ang ulap pala’y bumabagsak din, Babalik ako sa lawa at mangangarap gaya nang ako ay anim.