Anim ang
gulang ko nang ako’y nangarap,
Sampu naman
ako nang minsa’y natupad ito,
Labinglima
ako nang bagyuin ng pangarap,
Dalawampu
ako nang mabaha ng pagpapala;
Anong
ginhawa ang aking napala!
Mapalad ako!
Napakapalad!
Naging importante
ako sa piso nang ako’y nag-bentesingko,
Nakilala ako
nang tumaba ang baboy ko,
Nang ako’y
nag-trenta’y ang yaman-yaman ko,
Kasabay pa
nito ang kapangyarihang aking natamo;
Ano pa kaya
ang mahihiling ko?
Pag-ibig?
Ang datong ko’y ang siyang sinta ko.
Ngunit anong hirap ang mayro’n ka kung bakit ka masaya?
Gaano karami ang kaibigan mo’t pakiramdam mo’y kuntento ka
na?
Ano ang kinakain mo’t sa tingin mo’y ang lumaban ay iyong
kaya?
Nasa lupa ka lamang subalit ako’y nasa langit;
Matigas ang bato pero ang ulap pala’y bumabagsak din,
Babalik ako sa lawa at mangangarap gaya nang ako ay anim.
Comments
Post a Comment