Para Kang Bato NALILITO ka kung anong klaseng love life ang meron ka. Ni hindi mo lubos maisip na makakapag-asawa ka. Sa edad mong trenta ay wala ka pang anak pero may mister na. Hindi mo alam kung paano nagsimula ang lahat. Isa kang surgeon at lagi kang busy sa iyong trabaho. Kagustuhan mo naman iyon dahil iyan ang pinili mong propesyon. Kung tagapagligtas ka ng mga taong nasa bingwit ng kamatayan, ang asawa mo naman ay tagapagtanggol ng mga inaapi at tagapagtaguyod ng hustisya. Malaki ang potential niyang maging opisyal ng Department of Justice pero dahil philanthropist lawyer siya, naglilingkod siya sa publiko kung saan nito ginugugol lahat ng oras. Kapwa ninyo mahal ang inyu-inyong mga career. Pero ang tanong, mahal niyo ba ang isa't-isa? Wala kang matandaang romantic scene sa pagitan ninyong dalawa. Kahit courtship ay hindi niyo yata isinagawa. Kahit kailan ay hindi kayo nag-date o nagkahawak-kamay man lang sana. Hindi kayo nagngingitian sa isa't-isa. Pati kuwa
Experiencializing brain's leak....